Kababasa ko lang nung blog mo. So dapat talaga paiyakin ako? Na kailangan ko pa magtago sa room dahil baka may makakita sa kin at maweirduhan.
Nakakatawa talaga ang relationship natin. Grabe na ang evolution. Natutuwa ako kasi mas naging close pa tayo. Na isa ka sa mga konting tao na nakakakilala talaga kung sino ako. Na nakakaalam na masama talaga ako in real life. Hahaha! Nakakausap kasi kita ng anything under the sun. Kahit about fashion, kabastusan, intellectual stuff, love life etc. etc. Alam mo kung pano ko nalaman na isa kang tunay na kaibigan? Kasi andyan ka kahit anong mangyari. Masaya man o malungkot. At isa ka sa konting tao na may lakas ng loob na magsabi sa kin ng KAILANGAN kong marinig, at hindi kung ano yung GUSTO kong marinig. In short, kaya mo kong i-solid and sinasabi mo yun dahil alam mong para sa ikabubuti ko yun. Di ka natatakot na baka magalit ako at mangbitch. Alam ko rin na alam mo na despite all that I have, may konting doubts pa rin at the back of my mind. Kilalang kilala mo talaga ko kaya di ko na rin kailangang magpanggap na mabait or strong or something.
Pag magkasama tayo, walang boring at patay na oras. Iba talaga pag kawavelength mo yung tao. Walang space out moments. Natotouch nga ako at kinukuwento mo sa kin lahat. At nakikinig ka pala talaga sa kin.
Hindi naman ako mamamatay or anything. Lilipat lang ako ng lugar. May Facebook at Skype naman. Alam mo ba bakit hindi ako gaano nalulungkot (aside sa fact na mamimiss ko kayo)? Kasi alam ko kahit after n years pa tayo magkita ulit, ikaw pa rin yan at eto pa rin ako. Haller? Nag-asawa na ako at lahat, may anak pa, nagbago ba ko? Same crazy old me. Pati nga mga kwento at dilemma ko yun pa rin di ba? Hahahaha!
Hindi ko alam bakit hindi ka naniniwala, pero ako kasi 100% sure at naniniwala sa kakayahan mo at sa kaya mong gawin. Whether magdecide ka na ipursue ang chem o magentertainment industry ka na lang or whatever, alam kong you will be successful. Huwag ka na kasi maghintay ng sipa, gawin mo na lang.
Hinihintay ka na kaya ng Netherlands hahaha! Pumunta ka na dun para mapuntahan kita at makapagkwentuhan tayo while smoking doobie and eating happy brownies. Nakakaexcite di ba? Laugh trip yun.
Huwag ka matakot sa future. Maexcite tayo kasi ang dami pang adventures. Ang dami pa nating pagkukuwentuhan na mga kagagahan, nakakalungkot, at nakakatawang bagay. Basta kung may problema ka, iSkype mo lang ako or Facebook. Hindi pa naman kita inabandona ever di ba? Tsaka pag nahirapan ako sa studies papaturo ako sa yo hahaha!
Years ago, we faced a difficult decision: it's either we sink or swim. I'm glad we chose to swim. At bonggang swimming ito parang butterfly lang sa Olympics at gold medal pa. We have a friendship like no other.
Tsongks, mamimiss kita ng sobra! Nakakainis ka kasi pinaiyak mo ko. But then, understandable kasi wala na kong ibang "tsong" kundi ikaw.